Abante Tonite Interactive

Sikat na fashion designer pinaso ang puwet

436

Namamayagpag ngayon ang isang gay fashion designer.

Halos lahat ng sikat na modelo, beauty queen, celebrities at mga artista ay nadamitan na niya. Nasa peak siya ng kanyang career.

Hinahangaan ang kanyang mga creation and collection sa tuwing sino-showcase ito sa mga malakihang fashion show sa bansa at sa abroad.

Wala nang mahihiling pa si gay designer dahil madalas din siyang nakakatanggap ng award sa kanyang larangan.

Pero alam n’yo ba na kung masaya man siya nga­yon, kabaliktaran naman ang kanyang kabataan lalo na noong mga panahon na struggling siya sa pagsali-sali ng mga gay beauty pageant sa kanilang probinsya?

Galit na galit ang kanyang tatay at mga lala­king kapatid sa kanyang kabaklaan. In fact, isang gabi, habang dumayo si designer ng Miss Gay sa isang barangay na malayo na sa kanilang lugar, ‘di makakalimutan ni fashion designer na pagkatapos niyang rumampa sa swimsuit competition ay may biglang pumaso ng sigarilyo sa kanyang puwetan.

Paglingon niya, ang kapatid niyang lalaki pala ang pumaso.

Naroon din ang isa pa niyang kuya pati ang kanilang ama.

Galit na galit ang mga ito.

Dahil sa paso ay hindi na natapos ni fashion designer ang kabuuan ng patimpalak. Malaki pa naman daw ang chance niyang manalo.

“Grabe talaga sila noon sa akin. Kaya sa murang edad ay nagpunta ako ng Manila, kung ano-ano ang work ko, naging dance instructor pa ako hanggang sa naging fashion designer,” kuwento niya.

Pero sa ngayon ay tanggap na raw siya ng kanyang mga kapatid na lalaki.

“Paanong ‘di nila ako tanggapin eh ako ang nagpapa-aral ng kanilang mga anak,” sabi nito.

Sino si sikat na fashion designer? Blond hair siya ngayon. Mahilig siyang mag-alaga ng aso. (Timmy Basil)