Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sikat na female personality grabe ang depresyon

0 636

Inaatake raw ngayon ng depresyon ang isang sikat na babaeng personalidad. Kapag inaapuntahan pala siya nang matinding kalungkutan ay hindi siya lumalabas sa kanyang kuwarto.

‘Yun na ang kanyang mundo. Du’n na siya dinadalhan ng pagkain ng kanyang mga kasambahay. Wala siyang panahon para makipag-usap kahit kanino. Intercom lang sa kanyang kuwento ang gumagana.

Kuwento ng isang source, “Du’n mo talaga mari-realize na hindi lahat ng biyaya, e, isinesentro sa isang tao lang. Wala na siyang pinapangarap, nasa kanya na ang lahat, pero inaatake pa rin siya ng depression,” unang kuwento ng aming impormante.

Emosyonal ang sikat na female personality. Madali siyang maapektuhan ng mga bagay-bagay. Puwedeng tungkol sa pamilya niya, puwedeng tungkol sa mga nagaganap sa ating bayan, apektado siya palagi ng kahit ano.

Balik-kuwento ng aming source, “Pero extremes ang ugali niya, ha? Kapag maganda naman ang timplada niya, e, may kakulitan ang girl. Para siyang palaging humihigop ng asukal at chocolate sa sobrang kakulitan niya!

“Kapag nagkukuwento nga siya, e, hindi mo siya masisingitan, siya lang talaga ang nagsasalita, solo performance ang alam niya.

“Kapag nasa taping nga siya, e, ang kadaldalan niya ang palaging cause of delay. May mga friends kasi siyang pinapupunta sa dressing room niya, kaya natural, kuwento siya nang kuwento!

“Balik na nang balik sa dressing room niya ang staff, sasalang na kasi siya, on the set na ang iinterbyuhin niyang guest, pero wala pa siya.

“Extremes talaga siya. Kapag inaatake naman siya ng depression, nasa kuwarto lang siya. Hindi talaga siya lumalabas, kahit nga siguro ang mga anak niya, e, alam na ang gagawin kapag may mood swing ang mommy nila!

“Hay, may kani-kanyang mundo talaga ang mga artista, lalo na ang mga sikat, sila talaga ang mabilis tamaan ng depression. It’s lonely at the top daw kasi,” pagtatapos ng aming source.

Willie dinamay sa kanegahan

Akala siguro ng reporter ng Rappler na si Pia Ranada ay basta-basta uupuan lang ng mga tagasuporta ni Willie Revillame ang kanyang paghusga na ipinagmamayabang ng aktor-TV host ang limang milyong pisong donasyon niya para sa mga namamalimos nang jeepney drivers.

Nagkamali ang reporter na kilalang-kilala sa pagbira sa mga lider ng ating pamahalaan, pati ba naman si Willie na nagkaroon lang naman ng magandang puso para umayuda ay idinamay pa nito sa kanyang kanegahan, ano ang napala ng Aling Pia na ito?

Hindi lang mga tagahanga ni Willie ang kumuyog sa kanya, pati ang mga DDS ay nagising, kaliwa’t kanang mapait na ampalaya ang ipinakakain sa kanya.

Kung bakit naman kasi may mga taong mapaggawa ng butas para lang makapambira. Idinaan lang kay Presidential Spokesman Harry Roque ang tulong para maiendorso sa DSWD, pagpapasikat at pagyayabang na agad ang interpretasyon ng reporter, saan diksiyunaryo kaya humahango ng mga salita ng paglalarawan ang reporter na ito?

Sa panahon ngayon ng pandemya, lahat ng ayudang maaaring ibigay ng kahit sino ay kailangang pinahahalagahan, hindi biro ang limang milyong pisong pinakawalan ni Willie para sa mga nagdarahop na jeepney drivers.

At hindi lang naman ngayon ginawa ng TV host ang pagtulong, nu’ng salantahin ng Yolanda ang mga kababayan natin sa Leyte at mga katabing probinsiya ay nagbigay rin siya ng donasyong sampung milyong piso, walang halong kulay ng pulitika ang pagbubukas ng kanyang puso sa maliliit nating kababayan.

Kahit sino pa ang pangulong nakaupo, tutulong at tutulong pa rin si Willie Revillame, dahil ‘yun ang ibinubulong ng kanyang puso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.