Abante Tonite Interactive

Sikat na gay celeb chaka sa personal ang BF

633

Nasa fitting room kami ng isang kilalang shop sa isang malaking mall nang marinig namin ang kaswal na tsikahan ng dalawang sales girl ng nasabing shop.

Topic nila ang isang kilalang gay c­elebrity (KGC) at ang dyowa-dyowaan nitong male starlet (MS).

Sales girl #1: “Galing dito si KGC eh, kasama niya si MS. Pinag-shopping niya. Ang daming pinamili ni MS, si KGC lahat ang nagbayad.”

Sales girl #2: “Eh siyempre, boyfriend niya si MS. Natural lang na ipag-shopping niya.”

SG1: “Hindi pala guwapo si MS, ‘no?”

SG2: “Talaga? Pogi naman, ah?”

SG1: “Hindi kaya! Hindi siya guwapo, ordinaryo lang.”

SG2: “Ang suwerte niya dahil syota niya si KGC. Wala siyang gastos, libre lahat.

SG1: “Hindi si KGC ang pumunta sa counter para magbayad ng pinamili nila. May assistant siya na tagaba-yad.”

SG2: “Oo, ganu’n naman lagi si KGC, eh. Madalas siyang mag-shopping dito. Laging ‘yung assistant niya ang tagabayad para sa kanya.”

SG1: “So ngayon, lagi na niyang kasama si MS ‘pag mamimili siya rito? Napapanood ko si MS sa show nila, hindi naman talaga guwapo. Bakit kaya nagustuhan ‘yon ni KGC?”

Tahimik lang kaming nagsusukat ng damit sa loob ng fitting room ay nakasagap kami ng tsika courtesy of SG1 and SG2 na dinig na dinig namin ang mga boses.

Parang bet sana naming makisali sa usapan nilang da-lawa, kaya lang paglabas namin ng fitting room ay waley na sila sa puwesto nila.

Para bang pumunta lang sila roon saglit para maghuntahan at iparinig sa amin ang kuwentuhan nila.

Hindi naman bago ang pagiging galante ni KGC sa mga lalaki dahil madatung naman talaga siya. At todo-bigay talaga siya sa mga mahal niya.

Gusto sana namang hiritan si SG1 kung bakit parang pangit na pangit siya kay MS.

At least, hindi pala tumitingin si KGC sa panlabas na kaanyuan lang, ‘di ba? So that means, it must really be… love?!
PAK!!
***

Kim ‘kinabayo’ si Kit

Naunahan ng singer at stage actress na si Kim Molina si Mylene Dizon sa pakikipaglampungan kay Kit Thompson, huh!

Si Kit ang younger leading man ni Mylene sa 2019 Cinemalaya entry na “Belle Douleur” kung saan mainit ang intimate scenes nilang dalawa.

Mukhang na-preempt ‘yon ni Kim dahil si Kit din ang kalambutsi-ngan nito sa iWant original movie na “MOMOL Nights.”

Sawi sa pag-ibig ang karakter dito ni Kim na nag-move on sa pamamagitan ng pakikipag-MOMOL (make out-make out lang) na nauwi sa one night stand.

Nakatsugihan niya ay ang hot hunk na si Kit, na sa sobrang sarap ay kina-inlaban ni Kim.

Ang bongga ni Kim dahil nilaplap niya talaga nang bongga si Kit at kinagat pa ang labi nito. Patong kung patong din siya at kinabayo pa ang Fil-Am hunk.

Actually, comedy naman ‘yung kina Kim-Kit pero mas mauuna pa rin ang hitad na pagpasasaan ang yummylicious na si Thompson.

Sa Agosto pa kasi ang “Belle Douleur” nina Mylene-Kit samantalang ‘yung “MOMOL Nights” nina Kim-Kit ay s­treaming na sa iWant sa June 29.

Sa totoong buhay ay nobyo ni Kim ang comedian at stage actor din na si Jerald Napoles.
***

Top trending ang pilot episode ng “StarStruck 7” last weekend hosted by Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado.

Ang ganda ng feedback ng Kapuso viewers lalo na sa “StarStruck” council na binubuo nina Heart Evangelista, Ms. Cherie Gil at Jose Manalo.

Ang unang 7 finalists na napili ay sina Pamela Prinster (18, Cavite), Dani Porter (17, Quezon City) at Angelic Guzman (18, Laguna) sa girls.

Pasok naman sa boys sina Karl Aquino (18, Cavite), Abdul Raman (16, Marikina), Kim De Leon (19, Batangas) at Gelo Alagpan (17, Iloilo).

This coming Saturday and Sunday ay ire-reveal na ang last 7 hopefuls at mabubuo na ang Final 14.

Tuwing Monday-Friday, 6:00 PM, ay napapanood ang “Inside StarStruck” na hinu-host ni Kyline Alcantara sa “StarStruck” YouTube channel.