Abante Tonite Interactive

Sikat na konsehal may P2M Christmas bonus

306

Masaya ang Pasko ng isang sikat na konsehal sa bansa dahil sa matatanggap na Christmas bonus.
Sa nasagap na info ng TONITE, pinangakuan daw ang sikat na konsehal, pati na ang mga kasama nito sa konseho, ng magandang pamasko dahil sa pagsuporta ng mga ito sa programa ng kanilang punong lungsod.
Aabot daw sa P2 milyon ang makukuhang datung ng konsehal, aba’y sapat nang pambili ng To­yota FJ Cruiser upang magamit na panggitgit sa matrapik na kalsada.
Ngayon lang daw mamimigay ng malaking pamasko ang kanilang lider kaya’t talagang magiging merry ang pagdiriwang nila ng Christmas.
Nataon kasi na magkakaroon ng halalan sa susunod na taon, kaya’t paldo agad ang mga konsehal sa kanilang lider.
Clue: Ang sikat na konsehal na kokolekta ng malaking Christmas bonus ay mahilig tumambling. May letrang ‘O’ sa kanyang pa­ngalan as in Oscar o datung.