Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sikat na personalidad maramot sa alalay

0 113

Unti-unti nang naglulutangan ang maraming hindi kagandahang kuwento tungkol sa isang sikat na personalidad. Hindi sa labas nanggagaling ang mga istorya kundi sa loob mismo ng kanyang mansiyon.

Ayon sa mga dati niyang kasama sa bahay ay may kakaibang ugali ang sikat na personalidad na mahirap maintindihan. Kayo na ang bahalang humula kung ano ba ang kanyang kasarian—lalaki ba siya o babae?

Kuwento ng aming source, “Ibang klase pala ang taong ‘yun? Kapag kinuha ka niya para makasama, e, parang binili na niya ang buong pagkatao mo! Wala ka nang kalayaan!

“Sa halip na malungkot, natutuwa pa nga ang mga kasama niya sa bahay at umaalalay sa kanya dahil sa pagpapaalis sa kanila, e, nabuo uli ang pamilya nila,” pabiting unang sultada ng aming impormante.

‘Yun ang buod ng kuwento. Parang inaari na niya ang mga katuwang niya sa buhay pansamantala. Hindi na sila nagkakaroon ng pagkakataong makasama ang mga mahal nila sa buhay.

Patuloy ng aming source, “Maramot siya sa oras, sa pagkakataon, oras lang niya ang pinahahalagahan ng taong ‘yun! Kapag nagpapaalam ang mga kasambahay niya, pati ang mga alalay niya, e, palagi lang siyang bingi!

“Wala siyang pakialam kung hindi man nakikita ng mga tauhan niya ang mga taong sabik na sabik na silang makita. Maramot ang bayot!

“’Yung isang alalay niyang pinalayas niya nang walang dahilan, nakinig lang siya sa mga sabi-sabi, e, masaya na siya ngayon. Paano naman pala, nu’ng nandu’n pa siya sa poder ng boss niya, e, ni hindi man lang niya madalaw ang nanay niyang matanda na!

“Ayaw siyang pauwiin, ayaw siyang makadalaw man lang, samantalang marami namang panahon! Maramot talaga siya, wala siyang pakialam sa buhay ng ibang tao!” madiin pang kuwento ng aming impormante.

Pakitang-tao lang kuno ang ginagawa ng sikat na personalidad sa harap ng mga camera. Sa totoong buhay ay napakalayo ng kanyang ugali.

“Kung talagang maganda ang puso niya, e, bakit bumibili lang ng food nu’n ang mga kasambahay niya sa mga turo-turo sa place niya? Pero kapag may mga bisita siyang minchang, bongga ang mga ipinahahanda niyang food!

“Naku, marami pang ibang kuwentong lalabas tungkol sa kanya, magaling lang talaga siyang maghabi-habi ng mga kuwento, sa totoo lang!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Bong walang balak maghiganti

Taong 2014, tinutukan namin ang pinakahuling privilege speech ni Senador Bong Revilla bago siya sumuko sa mga otoridad dahil sa bintang na plunder at graft and corruption laban sa kanya, sumaksi sa kanyang talumpati ang kanyang ama.

Madiing sinabi ng senador, “Daddy, lalabas din po ang katotohanan. Malilinis ko rin ang nadungisan nating pangalan, pangako ko po ‘yan.”

Pagkatapos nang walong taon ng pakikipaglaban sa Sandiganbayan, ngayon ay malinis na malinis na ang pangalan ng aktor-pulitiko sa mga asuntong plunder at 16 counts ng graft and corrpuotion, naganap ang kanyang pangako sa yumao niyang ama.

Saanman naroroon ngayon ang dating senador ay siguradong napakaligaya nito sa matagumpay na resulta ng mga kasong hinarap ng kanyang anak. Limang taon siyang napiit sa PNP Custodial Center kasama ang kanyang kaibigang si dating Senador Jinggoy Estrada.

Tanong ng aming mga nakausap, paano nga naman ‘yun, napatunayang walang kasalanan si Senador Bong sa mga kasong hinarap niya at ngayon ay malinis na ang kanyang pangalan.

Ganu’n na lang ba ‘yun? Ninakawan ka nang maraming progresibong taon pa dapat sa buhay mo pero basta ganu’n na lang ‘yun?

Napakaganda ng puso ni Senador Bong. Wala na sa kanyang puso ang paghihinganti. Katwiran niya ay sobra pa sa sapat ang tinamo niyang tagumpay sa paglilinis ng Sandiganbayan sa kanyang pangalan.

At tulad ng madalas sabihin ng mga taong walang lugar ang benggansa sa puso, ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang naganap, dahil mas matindi ang divine justice.

Leave A Reply

Your email address will not be published.