Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sikat na politiko ‘ubos’ ang kadatungan

0 160

Maraming nanghihinayang sa pinagpagurang kayamanan na meron ngayon ang isang sikat na politiko. Hindi naman kasi niya naipon nang magdamagan lang ang mga biyayang hawak niya.

Ilang dekada niyang pinagtrabahuhan ‘yun, isinugal niya ang lahat-lahat, para lang mabago niya ang buhay ng kanyang pamilya.

Kuwento ng aming source, “Pero mukhang mauuwi sa wala ang lahat ng mga sakripisyo niya. Unti-unti nang numinipis ang kayamanan niya. Ramdam na ng mga taong nakakakilala sa kanya na kailangan niyang mag-ingat, dahil baka mauwi sa wala ang pera niya!” unang komento ng aming impormante.

Balitang-balita ngayon sa kanilang probinsiya na nagbebenta na siya ng mga ari-arian niya. Iniaalok na ang isang bahay niya, ang mga lupang nabili niya, ano ang ibig sabihin nu’n?

Balik-kuwento ng aming source, “Naku, baka magising na lang siya one day na naubos na pala ang pinagpaguran niyang naiipon. Malakas lumamon ng pera ang ambisyong pinasok niya!

“Mismong mga kasamahan na niyang politiko ang nagsasabi na kung wala kang bilyones na itataya, e, mas magandang kalimutan mo na lang ang pangarap mo!

“Mukhang nagkakatotoo na ‘yun sa male politician, sabi nga ng isang dati niyang BFF, e, mauubos na raw ang salapi niya, dadamputin pa siya sa kangkungan!

“Hindi raw mahusay humawak ng pera ang taong ‘yun, mapagpaniwala siya sa mga sinasabi ng mga taong nakapaikot sa kanya. He doesn’t know how to say no even to his nearest friends!

“Hindi niya puwedeng idenay ang kuwentong umiikot ngayon sa probinsiya nila, maraming makapagpapatunay na nagbebenta na talaga siya ng mga propyedad!

“’Yun siguro ang ipambabala niya sa kampanya, nagtabi na siguro siya ng perang hindi niya gagalawin sa kampanya na para lang sa family niya.

“Naku, habang may panahon pa, e, makapag-isip-isip sana ang sikat na politikong ‘yun na umurong na siya sa laban dahil siguradong mauubos siya!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Kylie ‘di napasuka ni Jessica

Press release lang pala ang ipinagmamalaking resbak ni Kylie Padilla sa KMJS. Inabangan ‘yun ng buong bayan, sasagutin daw kasi nang punto por punto ni Kylie ang mga hamon sa kanya ni Aljur, pero maraming nabigo.

Wala siyang sinagot nang diretso. Ang rebentador ay walang pulbura. Sa madaling salita, supot ang sinasabing bombang pasasabugin ni Kylie, walang laman.

Kahit ang mahusay na host ng programa ay walang nagawa para pasukahin si Kylie, paulit-ulit ang tanong ni Jessica Soho kung ano ang maisasagot niya sa mga hamon ni Aljur, pero idinaan lang niya ‘yun sa katatawa.

Nagtago si Kylie sa ilalim ng pajama ng kanilang mga anak ni Aljur, ayaw raw niyang magdetalye, dahil naaawa siya sa kanilang mga supling.

Napakagandang pagkakataon na sana ‘yun para maipagtanggol ni Kylie ang kanyang sarili sa matatapang na hamon ni Aljur, pero nasayang, kung sinagot niya ang tanong kung sino ang unang nangloko sa kanila at kung sino ang tunay na nagwasak sa kanilang relasyon at pamilya ay kuwentas claras na sana sila ng ama ng kanyang mga anak.

Hindi ‘yun ang inaasahan kay Kylie ng mga tumutok sa KMJS, sinayang niya ang makasaysayang damage control, marami raw siyang puwedeng sabihin para siraan si Aljur pero wala naman siyang sinabi.

Sina Alas at Axle ang palagi niyang isinasangkalan. Mahal daw niya ang kanyang mga anak. Kung ang pagmamahal na ‘yun ang una niyang naisip nang maghiwalay sila ni Aljur ay pinigilan sana niya ang kanyang mga daliri sa pagpo-post ng mga double-bladed niyang mensahe.

Hindi sana niya isinapubliko ang kanilang paghihiwalay, nag-usap na lang sana sila nang pribado, dahil silang dalawa lang naman talaga ang makapagreresolba ng kanilang problema.

Leave A Reply

Your email address will not be published.