Abante Tonite Interactive

Sikat na showbiz personality ecstasy ang bayad sa booking

By
727

Ilalabas na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang listahan na mga isinasangkot sa iligal na droga.

Subalit sa impormasyon, ito ay limi­tado sa mga opisyal ng barangay lamang habang ang isa nating Amuyong ay nag-aabang ng talaan kung saan makakasama ang pangalan ng mga showbiz personality.

Ito anya ay upang kanyang kumpirmahin kung kasama sa listahan ang isang sikat na host at napa­kagaling na artista sa listahan.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kasi sa ating Amuyong, ang personality ay gumagamit ng agimat (E) upang makaakit ng mga bibiktimahin na magpapaligaya sa kanya.

Ang naturang agimat anya ang ibi­nabayad ng ma­galing na host para makapagpa-book. Kadalasan umanong nangyayari ang boo­king sa mga bar sa bahagi ng Taguig.
Napapabalita pa raw na kasosyo rin ang personalidad na ito sa mga pinapasok niyang bar.

Mabait naman daw ang ating talentadong bida dahil bigay todo ito sa pangangaila­ngan ng kanyang mga minamahal.

Ang ating bida ay hindi pumapalya sa pagbibigay aliw sa kanyang pagho-host at sa tuwing magsasalita ay ipinapakitang siya ay Gandang Ganda sa sarili.