Abante Tonite Interactive

Sikat na volleybelle, may hot chat kay BF

By
744

Matagal na panahong hindi nagkasama si volleyball star ang karelasyon nito dahil sa seryosong pag-eensayo para sa sasalihang isang malaking torneo.

Napakalaking sakripisyo ang kailangan para sa kani-kanilang ginagalawang propesyon pero nakagawa pala ng solusyon si volleyball star para hindi nito ma-miss nang husto ang kanyang karelasyon.

Pagkatapos ng kanyang ensayo, hawak agad ni volleyball star ang kanyang cellphone para makipag-chat sa kanyang ‘papa’ na minsan ay diretso na hanggang sa dugout at sa madalas nitong ginagawa na ‘shower’.

Kinakatuwaan ng kanyang kasamahan si volleyball star dahil sa madalas mahulog ang cellphone nito sa pinagpatungan nitong lugar habang ipinapakita ang kanyang pag-shower.

Madalas din na matagal hinihintay ng kanyang mga kasama si volleyball star dahil natatagalan ito sa paliligo na dahil na rin sa minsan ay nahihilingan ito at may ipinapagawa ang kanyang papa.

Sino siya? Sikat siya lalo sa social media!