Abante Tonite Interactive

Sikat na young actress, mabantot ang bahay

By
8

UNANG serye niya pa lang, nakilala na agad siya.

Kaya pagkatapos nu’n, back to back to back na ang projects niya.

Nakailang teleserye na siya kung saan siya ang bida. Iba-iba ang ka-loveteam niya.

In fairness, pumapalo ang mga ito sa TV ratings, sa hapon man o primetime.

Nagka-movie na rin siya na kumita namang talaga.

Dahil diyan, marami na siyang datung. Kaya bili rito, bili roon si ate.

Kung ano ang magustuhan niya, buy! ‘Tsurang expensive siya. Dahil nasa kanila na ang lahat, pet doggie naman ang naging collection niya.

Small o big dogs, have siya. And take note … walang askal! Lahat, imported. May breeding!

Dumami ang mga alaga niyang dogs. Umingay ang housing project niya.

Kyumoho ang buong kabahayan.

Ang fans niya at mga piling bisita, nababahuan sa bahay niya. Kahit bagong paligo ang pets niya, hindi nagtatagal… mabantot na naman.

Kaya ang mga fanchita alba niya, tumutulong na sa pagpapaligo sa pets ni young actress.

Hindi lang nila madiretso ang kanilang idol kaya tuwing dalaw nila, hindi na foods para kay idol ang dala nila kundi sabon at shampoo para sa mga aso.

Aw! Aw! Aw!