Abante Tonite Interactive

Sikat na young actress, may kakaibang AMOY

By
24

TOTOO kaya itong pinag-uusapan ng staff sa wardrobe ng isang drama series na may kakaibang amoy itong si sikat na young actress?

Ang ganda pa naman niya at ang sexy, kaya nagugulat sila nang minsan kinunan ito ng measurement, may naamoy sila.

Dagdag na kuwento ng isang stylist, may naamoy rin siya sa damit na ipinasuot kay young actress.

Ginamit sa photo shoot ang damit at nalokah siya dahil kailangan pang ipa-dryclean itong nagamit na damit bago isoli sa kanilang sponsor.

Nag-uusap-usap sila ngayon kung bakit may kakaibang amoy ito.

Hindi kaya dahil sa bisyo nito na napapagdudahan nila?

Ayaw nang idetalye ng aming source kung anong bisyo ito dahil napaka-wholesome ng image ng sikat na young actress na ito.