Abante Tonite Interactive

Sikat pa ba ang Peruvian sa ‘Pinas?

0 241

Elech Dawa

‘Di na masyadong ma­ingay sa kuwentuhan ng mga sabungero ang Peruvian, dati ay walang ibang bukambibig ang mga sabungero kundi Peruvian kapag nakakakita ng mala­king manok sa sabungan.

Ang tanong, sikat pa ba ang Peruvian sa Pilipinas?

Kung ako ang tatanu­ngin ninyo mga klasmeyt eh sikat pa rin. ‘Di nga lang masyadong pinag-uusapan pa dahil na rin siguro sa marami nang nagbi-breed ng Peruvian, tulad nina Ed Jaraba ng Kate & Kurt Gamefarm at Guid Mar Magdadaro.

Kaya kung ako sa inyo mga klasmeyt, magpalahi kayo ng Peruvian. Ang daming sabungero dito sa Pilipinas na gusto ang Peruvian.

Pangit lang silang tingnan pero malalakas naman pumalo at may bilis.

Marami rin namang may ayaw ng Peruvian kasi kulang sa diskarte at ‘di masyadong umiilag. Mas gusto ang paluan nang paluan.

Pagdating sa ganyan eh di i-cross ninyo sa mga mauutak na manok, malay ninyo maganda kalabasan.

May kamahalan nga lang ang Peruvian pero ang masasabi ko ay bawi naman kayo kapag nakapagpalahi kayo ng maganda. Basta mga kasabong, diskarte ninyo pa rin ang masusunod.

***
Sino’ng gustong dumayo sa Odiong Roxas, Oriental Mindoro? May ilalargang 17th Founding Anniversary 4-Cock Derby sa Valora Cockpit Arena ngayong araw.

May 2-Cock Derby rin sa Angeles Cockpit Arena kaya pili kayo baka may kursunada kayong dayuhin.
Good luck!