Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Siklista binundol ng van

0 61

TODAS ang isang 16-anyos na siklista matapos siyang mahagip ng isang van sa kahabaan ng Barangay Papagueyan, Binmaley, Pangasinan noong Sabado.

Kinilala ng Binmaley Police Station (BPS) ang biktimang si Kenneth Macaraeg, Grade 9, ng nasabing bayan.

Samantala, ang suspek na driver ng Mitsubishi L-300 van ay si Joel Jackson, ng Alaminos City ng nasabing lalawigan.

Sa report ng BPS, ang biktima kasama ang ilang kaibigan ay nagbi-bike sa may San Carlos-Binmaley Road nang mahagip si Macaraeg ng isa sa kanyang mga kaibigan, na nang bumagsak ay nabundol ng van.

“He was cycling with his companions along the shoulder of the San Carlos-Binmaley road when he was accidentally hit by one of his companions, which caused him to fall down from his bicycle, then he was hit by the approaching van,” saad ng report ng BPS.

Agad na dinala si Macaraeg sa ospital ngunit siya ay dineklarang dead-on-arrival.

Nakakulong ngayon si Jackson sa BPS jail at kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa laban sa kanya. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.