Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Siklista timbuwang sa truck

0 260

Sugatan ang isang rider matapos na masagi ng tractor truck ang kanyang bisikleta, sa northbound lane ng Roxas Boulevard corner Katigbak Drive Ermita, Maynila kamakalawa.

Isinugod sa Ospital ng Maynila ang biktimang si John Paul Cruz, 25, ng Tondo. Sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforce Unit-Vehicle Traffic Investigation Section, naganap ang insidente alas-3:39 ng madaling-araw sa nabanggit na lugar.

Pawang binabagtas ng biktima at driver ng tractor truck na si Marlon Cadungog, 42, ang lugar. Bago sumapit sa panulukan ng Burgos Street, nang bumangga ang harapang bahagi ng bisekleta ng biktima sa likurang bahagi ng tractor dahilan para mawalan ng balanse si Cruz at bumagsak sa bisekleta.

Isinugod naman ng rumespondeng ambulansiya ng MMDA ang biktima sa pagamutan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.