Abante Tonite Interactive

Sikolohikal vs pisikal na ED

385

Dear Dra Holmes:
Ano po ang kaibahan ng ED na sikolohikal at ED napisikal? Maraming Salamat po. Marco

Dear Marco:
Maraming salamat sa sulat mo. Ang ED o erectile dysfunction ay nangyayari kung hindi tumitigas ang ari ng lala­ke para magsiping sa kaniyang partner. Maaari ring, tumitigas ang ari ng lalake, pero sandali lang, kaya hindi pa rin maipasok ng lalake sa ari ng kaniyang partner.

May 3 dahilan para sa ED: pisikal, sikolohikal, o kombinasyon ng dalawa. Halimbawa ng kombinasyon na dahilan ay kung mayroong diabetes ang lalake, at alam niya na ang mga lalakeng may diabetes ay nagkakaroon ng ED 10-15 taon na mas maaga kaysa sa mga lalakeng walang diabetes. Ang kaniyang diabetes ay ang pisikal n dahilan na magkaroon siya ng ED pag siya ay 70 na; pero ang pag-aalala na magkakaroonsiya ng ED ng mas maaga ang siyang tumulak namagkaroon nga siya ng ED, pero sa edad na 55. Ang ilan pang pisikal na dahilan ay maaa­ring dahil sa sistemang sirkulatoryo o sistemang nerbiyos.

Abante Hiring – IT dep

Ang mga sikolohikal na dahilan para sa ED ay maaaring sanhi ng matagal na, noong bata pa siya (dahil sa tinuro sa kaniya ng mga magulang, paaralan, kultura o simbahan niya) o maaaring dahil sa kaniyang relasyon nang siya ay binata na (o may asawa na). Maaaring mabait ang asawa niya ngayon, pero mayroon siyang ED dahil ang girlfriend niya noon ay pinagtawanan siya o sinaktan siya nang sobra. O maaari ring maganda ang kaniyang pagsisiping sa dati niyang mga gf, pero wala na siyang pagnanasa para sa kasaluku­yang niyang gf kaya may ED siya ngayon. Pero, kung sumubok siyang magsiping sa iba, kaya niya dahil wala siyang ED sa iba.

Inaasahan ko na nakatulong ako sa iyo, Marco. Ingat—MG Holmes
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE sa Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.