Abante Tonite Interactive

Sikreto ng 2 pari ibinunyag ni Duterte

By
1,127

Lantarang isinapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sikreto ng mga napatay na pari na sina Father Mark Ventura at Father Paul Mark Tirao ng Camarines Sur.

Sa harap ito ng patuloy pa ring pagbatikos sa Pangulo ng mga pari at obispo ng Simbahang Katolika.

Sa kanyang pagdalo sa selebrasyon ng National Science and Technology week sa Davao City, isa-isang inilahad ng Pangulo ang mga natuklasan sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagpatay kay Father Ventura.

Bagama’t mabait, accommodating at ma­lakas ang karakter ng pari, lumitaw aniya sa imbestigasyon ng mga awtoridad na malakas itong uminom ng beer at umano’y babaero rin.

“Yung namatay na pari, confidential. Pero kung sikretuhin mo, bigyan kita. Father Mark Anthony Ventura was a very kind person, accommodating, independent and a strong character. He was a heavy drinker of beer and alleged to be a woma­nizer,” anang Pangulo.

Batay aniya sa nakuhang impormasyon, mayroon ding anak ito sa hindi nakilalang babae sa Cagayan.
Ayon sa Pangulo, tatlong motibo ang tiningnan ng mga awtoridad sa pagkamatay ng pari gaya ng politika, love triangle at ang pagkakaugnay nito sa New People’s Army.

Pero mas nangiba­baw aniya ang mara­ming babaeng napaugnay kay Father Ventura na ang iba ay kabit ng opisyal ng Philippine Army, kabit ng ex-ma­yor, pati kabit ng ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).
Pati umano asawa ng overseas Filipino worker ay naging babae rin ng pinatay na pari, gayondin ang high school classmate nito, at pati asawa ng isang mayamang trader.

Mayroon ding biyudang kababayan ni Father Ventura na malimit nitong isabay sa pag-uwi sa Tuao, na umano’y kabit din ng dating pulis .

“Ito widow. Townmate of father… living in. Usually hitched ride with father Mark everytime the victim goes to Tuao. Alleged paramour of blank, dismissed PNP member. Alleged to be linked ito. Jing is repor­ter to be a playgirl. Tsk,” dagdag pa ng Pangulo.

Nakuha rin aniya ng mga awtoridad ang cellphone ni Father Mark at nakita ng mga awtoridad ang “dirty talk” nila ng isa sa kanyang mga babae.

Hindi rin isinasaisantabi ang anggulong politika dahil sa mga talunang kandidato na naapektuhan ng kampanya para sa malinis at tapat na eleksiyon.

Inalis na rin ang anggulo sa CPP-NPA dahil kinondena nila ang pagpatay sa pari dahil malapit ito kay Father Paul Bersamin na asawa umano ng isang amasona commander.

Sa kaso naman ni Father Mark Tirao, sinabi ng Presidente na person of inte­rest ito sa pagkamatay ni Geraldine Rapinan na umano’y naanakan nito at pinagha­hanap na ngayon ang pinagtataguan nito. (Aileen Taliping)