Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sikyo sabit, 5 suspek nginuso sa holdap

0 367

Kilala na ng mga awtoridad ang lima sa walong kalalakihan na nanloob sa bahay na tinutuluyan ng mga Chinese POGO worker sa Silmer Subdivision, Brgy. San Francisco, Biñan City, Laguna kung saan natangay ang mahigit P1 milyong halaga ng pera, alahas at mga cellphone, noong Sabado ng madaling-araw.

Inaresto rin ng mga tauhan ng Laguna Police Intelligence Team ang sikyo ng bahay na si Ronald Nacario dahil posibleng kasabwat umano ito ng mga holdaper batay sa mga pangyayari na nakita sa CCTV.

Si Nacario ang nagbukas ng gate kaya malayang nakapasok ang anim sa mga suspek na umano ay nagpakilalang mga pulis. Positibong kinilala rin ng isang testigo ang mga suspek na sina Reynold Lim Jr. ng Tañong, Marikina City; Heber Jeddy Kasilag Surio ng San Francisco, Biñan City; isang Sgt. Ortaguesa; Sgt. Baldos; at isang alyas `Bobby’.

Ayon pa sa testigo na hawak ng mga awtoridad, ipinakilala umano sa kanya ni Lim sina Sgt. Ortaguesa at Sgt. Baldos bilang mga miyembro ng Philippine Marines.

Nakita rin sa CCTV na walo ang mga suspek. Anim ang pumasok sa bahay at dalawa ang naiwan sa sasakyan. Maliban sa sikyo, nakalalaya pang lahat ang mga suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.