Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sikyo tinodas sa duty

0 60

Nasawi ang isang security guard matapos siyang barilin habang nasa kanyang duty sa isang subdivision sa Lipa City, Batangas, Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Arnold Dela Cruz, 27-anyos, tubong San Juan, Batangas.

Batay sa report ng Lipa City police, naka-duty sa kanyang guard house sa Villa Sto. Niño Townhomes sa Brgy. Sabang, Lipa City ang biktima nang barilin ng hindi nakilalang suspek dakong alas-3:30 kamakalawa ng madaling-araw.

Mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang agad ikinamatay ni Dela Cruz.

Tumakas naman ang salarin.

Sa ngayon, blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen. Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng salarin. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.