Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Silbi ng community pantry

0 262

Patuloy na dumarami ang community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa na sinimulan sa Maginhawa, Quezon City ni Patricia Non.

Maganda ang hangarin ni Patricia sa inilunsad na community pantry. Maraming kumakalam ang sikmura ang nakaraos.

Maraming hindi agad nakatanggap ng ayuda noong ideklara ang enhanced community quarantine sa NCR Plus ang nakaraos dahil sa mga biyayang ibinahagi ng community pantry ni Patricia.

Pero kasunod ng paglunsad ni Patricia ng community pantry ay nagsulputan na ang iba lang pantry hindi lang sa Metro Manila kundi sa malalayong probinsya.

Sa katunayan sa bilib ng mga taong gobyerno ay ginaya nila ang diskarteng ito ng pagtulong ni Non.

Sumuporta ang ilan sa mga barangay community pantry at nagbigay sila ng tulong para madagdagan ang pagkain o iba pang pangangailangan ng ating mga kababayan.

Pati maliit at malalaking subdibisyon ay gumaya na rin sa istilong ito ng pagtulong kaya marami talaga ang natuwang mga kababayan nating gipit at namomroblema kung ano ang kakainin sa maghapon ang nasaklolohan.

SM food to go Banner Ad

Kanya lamang sa patuloy na pagdami ng pantry ay may ilang hindi na magandang gawi tayong naoobserbahan.

Gaya ng pag-abang na lamang ng ilan nating kababayan kung saan may community pantry para pumila at doon iasa ang kanilang pang-araw-araw na pagkain imbes na magbanat ng buto at maghanap ng pagkakakitaan.

Maliban sa tinuturang maging tamad ay nakakatakot talaga ang pagdagsa ng tao sa community pantry lalo na’t hindi pa rin nababakunahan ang marami sa Metro Manila kaya tiyak na madali ang hawaan ng COVID kung may isa o dalawang nagpositibo na pupunta sa pantry.

Huwag nating kalimutan na hanggang ngayon ay limitado pa rin ang galawan dahil modified enhanced community quarantine sa NCR-Plus kaya mahigpit na ipinatutupad ang social distancing na isa sa pangunahing nilalabag sa pilahan sa mga community pantry.

Hindi tayo kontra sa napakagandang hangaring ito ni Patricia ang sa akin lang ay mas malaking problema ang idudulot ng ideyang ito kung hindi masusunod ang health protocol.

Kaya sana makaisip ng ibang ideya kung papaano maihahatid ang tulong sa mga nangangailangan nating kababayan ng hindi nagtitipon-tipon.

Kahit anong pakiusap kasi natin sa ating mga kababayan na sundin ang health protocol ay napakahirap masunod lalo na’t halos lahat ay gustong mauna sa pila at makatanggap ng biyaya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.