Abante Tonite Interactive

SILI: Atapang atao ka ba?

By
131

Atapang atao ka ba? ‘Yong tipong pinapapak mo ang siling pula at ‘di alintana ang hatid nitong anghang. Ang problema, kahit pa ma­tapang ka sa anghang, mukhang magbabawas ka muna sa konsumo ng sili. Ang kilo kasi nito – umaabot na sa isang libong piso.

Bahagi na ng pagkaing Pinoy ang sili. Inihahalo ito sa mga lutong ulam gaya ng sinigang, dinuguan at iba pa. Ginagawa ring pampaanghang sa mga sawsawan, depende sa klase ng sili. Kaya naman lalo ta­yong ginaganahan sa ating pagkain.

May taglay na Capsai­cin ang sili – ang kemikal na nagbibigay anghang. Matatagpuan ang Capsaicin sa mga buto ng sili o puting parte ng sili kung saan nakakapit ang mga buto nito.

Ayon sa mga eksperto,­ bukod sa pampagana at pampasarap ng pagkain – may mabuting dulot ang sili sa katawan ng isang tao. May mga pag-aaral at pagsusuri raw na magpapatunay na mayaman ito sa Vitamins A, C, potassium, folic acid at fiber.

Iba-iba ang klase, uri at kulay ng sili. May dilaw, berde at pula. Pero mas epektibo raw ang siling pula dahil mas matindi ang i­binibigay nitong anghang tulad ng si­ling labuyo.

Nagpapababa ng blood sugar ang sili kaya mainam daw ito para sa mga may diabetes.

Malaki rin daw ang maitutulong ng sili sa mga nagbabawas ng timbang. Nagpapainit ito ng katawan at nagpapabilis ng metabolism kaya mabilis ding nabu-burn ang calories.

Nagpapababa rin ang lebel ng bad cholesterol sa ating katawan ang sili. Kaya dagdag ng mga medical expert, maaari nitong mapigilan ang pagbabara sa ugat ng puso.

Dahil sa taglay nitong anghang, Malaki rin ang tulong nito para maalis ang bara sa ilong ng mga taong may sipon o sinusitis.

May mga mabibili ring pain reliever na chili flavour sa mga drug store – malaki ang tulong nito para maalis ang sakit sa mga buto at kasu-kasuan lalo na sa mga may arthritis.

Pero gaya ng la­ging sinasabi ng mga eksperto, lahat ng sobra – nakasasama. Ang sa akin lang, hinay hinay pa rin sa konsumo ng sili. Hindi ‘yan gamot – kundi panlaban lang sa sakit. Mas mainam pa ring komunsulta sa doktor kung kinakailangan.