Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sili pumalo sa P1.5K presyo kada kilo

0 244

Napapamura na lang ang mga mamimili sa taas ng presyo ng siling labuyo sa mga pamilihan sa Northern Metro area.

Sa kasalukuyan, nasa P1,500 ang kada-kilo ng malalaking siling labuyo habang P1,300 naman ang mga maliliit.

SM food to go Banner Ad

Wala na ring maramihang stock ng siling labuyo sa mga palengke sa Valenzuela, Caloocan,Malabon at Navotas, na umanoy itinatago ng mga nagtitinda sa pagnanais na mas tumaas pa ang presyo nito lalo na sa pagsapit ng Bagong Taon.

Ang ibang vendors naman ay dumidikarte at tinatarya sa tingi ang sili sa presyong tatlo P20 na kung susumahin ay halos siyete isang piraso.

Ang ibang mamimili na sakto ang budget para sa kakainin sa Pasko, hindi na gumagamit ng sili pang-rekado sa kanilang niluluto. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.