Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sili pumalo sa P500 kada kilo

0 150

Umabot sa P500 kada kilo ang halaga ng sili sa ilang palengke sa bansa.

Ayon sa ulat, P550 kada kilo na mabibili ang siling labuyo at siling pansigang sa Marikina Public Market.

Bago ito ay naglalaro lang sa P80 hanggang P100 kada kilo ang naturang mga sili.

Sa Balintawak Market, ibinebenta ang siling labuyo sa P400 kada kilo na dating P80 hanggang P100 kada kilo.

Ang siling pansigang naman na dating P60 hanggang P80 kada kilo ay umakyat sa P500 kada kilo.

Sabi ng mga tindero sa Marikina Public Market, hindi sapat ang suplay ng nasabing mga sili sa demand dahilan kaya tumaas ang presyo nito gayundin ang pananalasa ng mga bagyong Rolly at Ulysses. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.