Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Silid-aralan kapos ng 127K

0 37

Umaabot na sa 127,000 ang kulang na classroom sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua, kakailanganin ng gobyerno ng mahigit P900B para pondohan ang kakulangan sa mga silid-aralan.

Para sa 2022, may inilaan umano ang gobyerno na P2.9 bilyon para sa pagtatayo ng mga bagong classroom.

May utos umano ang Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Education (DepEd) na ang bigyan ng prayoridad na matayuan ng mga bagong silid-aralan sa 2022 ay ang mga fifth at sixth class municipalities.

“We have proposed to the DBM if you are serious in addressing classroom shortage then we can have a three year phasing of new building construction to address this shortage,” sabi ni Pascua. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.