Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Silip sa Olympian

0 85

Olympic year ang 2021 dahil sa pagkaurong sanhi ng pandemya ng 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na nakatakda sa parating na July 23-August 8.

Kaya hayaan po ninyong talakayin ko ngayon si 1972 Munich Olympian sport shooter Manuel ‘Joey’ Valdes.

Nagsimula siya sa trapshooting sa edad na 14-anyos pa lang.

Dati siyang bumira ng record score na 193 points sa posibleng 200 shots sa Clark Air Base para sa National Open ng Philippine National Shooting Association (PNSA).

Tumudla siya ng dalawang bronze medal sa Busan 2002 Asian Games, naka-gold sa Singapore 1983 Southeast Asian Games at naging two-time SEA Games record-holder din.

May iba pa siyang mga nakamit na karangalan sa iba’t ibang mga kompetisyon sa loob at labas ng bansa, gaya ng Southeast Asian Shooting Association (SEASA).

Isa rin siyang maboka at matapang na atleta sa kanya panahon na nanawagan sa pamahalaan para masuportahan ang sport at ang mga kapwa atleta.

Wala pa lang akong balita kay Valdes at sa ilan kong mga kakilalang napagtanungan tungkol sa kanya kahapon. Nagdiwang din kasi siya ng kanyang ika-65 taong kaarawan nitong Miyerkoles, February 24.

Belated happy birthday na rin po.

Leave A Reply

Your email address will not be published.