Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Silos, Feliciano asam pumana sa Tokyo

0 285

Sinimulan nina Riley Silos at Jason Emmanuel Feliciano ang kampanya sa inaasam na silya sa nausog na 2020 Tokyo Olympics sa darating na July sa pagsabak sa 2021 Archery World Cup – Stage 3/Final Qualification Tournament first round sa Paris, France ngayong Lunes.

Ang dalawang Olympic recurve aspirant ng Pilipinas ang mga unang papalaso sa men’s individual bago sundan ng qualification sa women’s side.

Haharapin ni 35th seed Feliciano si 78th ranked David Fredriksson ng Brazil habang ang 61st seed na si Silos makakatapat si 52nd favorite Chun Kit Wan ng China.

SM food to go Banner Ad

Bitbit ni Feliciano ang personal best na 647 points habang si Silos ay may 627.

Sasabak naman sa women’s individual qualification ang magkapatid na sina Gabrielle Monica Bidaure at PIa Elizabeth Angela Bidaure. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.