Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Silver espesyal kay Alfafara

0 94

Memorable para kay national men’s indoor volleyball team veteran skipper Mark Gil Alfafara ang silver medal finish ng bansa sa Philippine 30th Southeast Asian Games 2019 at ang paglahok sa Nakhon Ratchasima 21st AVC Asian Men’s Volleyball Club Championship 2021 nito lang Oct. 8-15.

Ibinahagi ng 27-anyos, may taas na anim na talampakan na balibolista kay Online Abante Sportalakan host Sarah Jireh Asido Miyerkoles ng hapon ang bagay.

“Siguro hindi naman iisa lang, marami especially sa 2019 SEA Games pero ngayon kasi ang SEA Games tapos na, ang pinaka-recent talaga, ang AVC kasi ito ang time na binigay ni coach Dante (Alinsunurin) sa akin ang trust (niya),” kwento ni Alfafara. “Sabi niya ‘oh, wala ang dalawa (Marck Jesus Espejo at Bryan Bagunas), boy, alam mo na,’ sabi niya sa akin sa Laoag (bubble training camp).”

Hinirit ng former University of Santo Tomas stalwart at University Athletic Association of the Philippines MVP, na naging malaking bagay rin sa kanya ang one-week event sa Thailand upang maipakita ang kanyang bangis at matulungan ang PH club team. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.