Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SIM card registration pasado sa Kamara

0 118

Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang mandatory SIM card registration.

Sa botong 181 pabor at anim na tutol, inaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 5793 sa sesyon ng plenaryo kahapon.

Sa ilalim ng panukala, isang sistema ng pagbebenta at pagrehistr5o ng SIM card ang itatayo. Ang mga datos na makukuha ng mga telecommunication company at mga nagbebenta ng SIM card ay ibibigay sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Mayroong confidentiality cause ang panukala at maaari lamang makuha ang impormasyon ng pagrerehistro kung mayroong subpoena o kahilingan ang mga awtoridad para maresolba ang isang krimen.

Pagmumultahin ng P300,000 hanggang P1 milyon ang lalabag na telco. Ang mga nagbebenta ng SIM card ay pagmumultahin naman ng P5,000 hanggang P50,000 kapag lumabag.

Layunin ng panukala na matulungan ang mga alagad ng batas na malutas ang mga krimen. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.