Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Simbahan, iba pang religious gathering guwardiyado ng PNP

0 219

Kinalampag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga ground commander at mga pulis na i-monitor ang lahat ng religious gathering sa Metro Manila kasunod ng pagpayag ng pamahalaan na itaas ang kapasidad ng mga dumadalo sa 30 percent.

Sinabi ni Eleazar na may mga pulis na aasiste sa mga magsisimba o dadalo sa mga religious event sa Metro Manila habang ipinapatupad ang protocol laban sa COVID-19.

“Ngayong panahon ng pandemya, mas higit nating kailangan ang dasal at gabay ng Poong Maykapal upang makamit natin ang tagumpay laban sa COVID-19,” ani Eleazar sa isang video message.

Nitong Biyernes ay pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang 30 percent capacity para sa religious gathering sa Metro Manila mula sa dating 10 percent capacity.

Hinikayat din ni Eleazar ang mga local police unit na makipag-ugnayan sa mga religious leader para mapanatili ang peace and order habang may religious events.

Pinatututukan nito ng husto ang Quiapo Church, maging ang mga simbahan sa Intramuros sa Maynila at Baclaran Church sa Parañaque City.(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.