Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Simbahan, kabataan umapela: Magbalik-loob sa ekolohiya, karbon bilang enerhiya ibasura

0 188

Sa paggunita nitong nakaraang Mahal na Araw, pinangunahan ng mga lider ng Simbahan at kabataan sa bayan ng Atimonan sa Quezon, ang panawagang pagbabalik-loob sa ekolohiya at muling iginiit na tuldukan na ang patuloy na pagtatayo at paggamit ng nakasisirang ‘coal’ o karbon bilang enerhiya sa bansa.

Ang panawagan ay isinagawa sa online devotion session nitong Holy Week na tinawag na ‘Daan ng Krus tungo sa Pagbabagong Ekolohikal (Way of the Cross towards Ecological Conversion) ng Our Lady of Angels Parish sa Atimonan, na inspirasyon sa 2019 Pastoral Letter on Ecology ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at Pope Francis’s encyclical Laudato Si’.

“Mapagsumikapan nawa naming isulong ang dagliang paglipat sa ligtas, malinis, at murang eherhiya. Tiyakin ang makatarungan at patas na paglipat sa renewable energy sources at ibasura ang mga huwad na solusyon; makiisa sa kampanya sa madaliang pagtatanggal ng mga coal-fired power plants at iba pang nakadepende sa paggamit ng nakaruruming fossil-fuel,” anang mga lider na Simbahan kasabay ng paghikayat na basahin ang statement ng Parish of Atimonan, na alin ang site ng 1.2 GW coal power project na panukala ng wholly-owned subsidiary ng Manila Electric Company (MERALCO)’s generation arm.

Sa pahayag, muling iginiit na tuldukan na ang pagtatayo at pagpopondo sa mga proyektong ‘coal plants’ dahil sa panganib nitong malilikha sa climate change, at masamang impak sa kapaligiran, lalo na sa kalusugan ng sambayanan.

SM food to go Banner Ad

“Nawa’y magkaisa ang sambayanan sa pagsusulong ng divestment campaign upang ang mga pondo ng aming mga institusyon ay di mapalagak na puhunan sa mga coal-fired power plants, mga kumpanya ng pagmimina at iba pang mapanirang proyekto.” nakasaad pa sa pahayag.

Batay pa sa statement, ang preserbasyon aniya ng ating ‘natural world’ at proteksyon sa karapatan ng sambayanan, maging sa mga bagong henerasyon na mamuhay sa malinis na kapaligiran ay bahagi at parsela ng kanilang tungkulin bilang katiwala ng Paglikha at Lumikha.

“Quezon and many other provinces in the country have been suffering from coal’s poison for far too long. We will not tire in rejecting this dirty energy source and calling out to its financial supporters to fully shift instead to investing in clean technologies until ecological conversion truly happens in our country,” said Monsignor Noel Villareal of the Our Lady of Angels Parish,” ayon pa sa inilabas na pahayag ng mga lider ng Simbahan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.