Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Simbahan sa Maynila nasunog

0 395

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumupok sa Sto. Niño de Pandacan Parish sa sa Pandacan, Maynila kahapon.

Sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire Protection nagsimula ang apoy ala-1:19 ng hapon, at dineklarang fire control ala-1:44 ng hapon.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa insidente.

Habang ang kabuuan ng church hall ay nilamon ng apoy maging ang mga karuwahe at ilang imahe ng mga Santo ay nasunog. Nabatid na nadamay rin ang kumbento na tinutuluyan ng mga madre at pari. Maging ang kampana ng simbahan ay nadilaan rin ng apoy.

Patuloy naman iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at halaga nang napinsalang mga ari-arian. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.