Abante Tonite Interactive

Simbahan walang pahinga sa pagpapagastos

By
2,456

Muli na namang bumanat si Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika sa kabila ng isinusulong na dayalogo sa mga ito.

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng National ­Science and Techno­logy Week sa Davao City, kinuwestiyon ng Pa­ngulo ang practice ng mga pari na pagpapabayad sa serbisyo sa mga tao.

Lahat aniya ay may bayad sa simbahan gayong dapat sila ang tumulong sa mga tao.

Pag may sere­monya sa kasal  ay may bayad, pati ang pagpapabinyag at pagpapalibing.

“Kung talagang tumutulong ka sa tao bakit ka humihingi ng pera sa tao? Pabin­yag, maski walang kasalanan, original sin bayad ka. Pakasal ka, gastos, ‘pag namatay ka, gastos. Anong klaseng simbahan yan? Walay pahuway sa gasto, walang pa­hinga,” anang Pangulo.

Hindi rin nakaligtas sa pansin ng Presidente ang magagan­dang simbahan na aniya ay mala-palasyo pero maraming mga debotong mahihirap.

Napagdiskitahan rin ng Presidente ang Last Supper at kung paano naging santo ang mga disipulo ni Hesuskristo. (Aileen Taliping)