Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Simbang gabi posible – Malacanang

0 39

May posibilidad na magkaroon pa rin ng Simbang Gabi sa Disyembre kapag nagpatuloy ang pagbaba ng COVID-19.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesman Harry Roque matapos hilingin ni Archdiocese of Manila apostolic administrator Bishop Broderick Pabillo sa local government unit na i adjust ang curfew hours para sa mga misa sa nalalapit na Kapaskuhan.

Una nang nakipagpulong kay Manila Mayor Isko Moreno si Pabillo at sa mga opisyal ng Quiapo Church.

Tinalakay ng mga opisyal ang posibleng adjustment na isasagawa sa Simbang Gabi at sa magaganap na Traslacion 2021.

Ayon kay Bishop Pabillo, hinihiling nilang magkaroon ng adjustment sa curfew sa Disyembre para madagdagan ang schedule ng mga Simbang Gabi upang hindi magsisiksikan ang mga tao.

Pabor naman dito si Moreno dahil kapag mas maraming misa, mas maiiwasan ang siksikan ng mga tao.

Tinalakay din ang mga posibleng adjustment na ipatutupad sa Traslacion 2021 at sa kapistahan ng Sto. Nino. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.