Abante Tonite Interactive

Simbolo ng Pasko

0 172

Parang kulang ang Pasko kapag walang dekorasyon ang bahay. Tradisyon na na­ting mga Pilipino na magkabit ng Christmas decors. Ngayong tapos na ang Undas, pana­hon na para ali­sin ang Halloween decors at palitan ng mga pamas­kong palamuti.

Tiyak akong abala na ang bawat isa sa paglalagay ng Christmas tree at pag-aa­yos ng mga dekoras­yon nito. Hindi man tubong ‘Pinas ang Christmas tree, pero inampon na rin ito ng mga Pilipino. Nakaugalian na ng mara­mi na maglagay nito sa bahay bilang simbolo ng Pasko. Walang pinipiling estado sa buhay ang pagkakaroon ng Christmas tree. Kung hindi afford ang mamahalin, kahit simpleng sanga ng puno puwedeng ga­wing Christmas tree. Pinturahan lang at lagyan ng kaunting di­senyo.

Hindi rin nawawala sa listahan ng Christmas decors ang parol na hugis bituin. Parol ang itinutu­ring na pambansang simbolo ng Paskong Pinoy.

Nagmula sa bansang Spain ang parol o ‘farol’ na ang ibig sabihi’y ‘ila­wan’.

Ginamit ito ng mga ninuno natin noon sa pagdalo nila sa Misa de Gallo. Mula sa simpleng pailaw, iba-iba na ang di­senyo ng mga parol ngayon – gawa sa plastic, made from capiz, yari sa kahoy at kung ano-ano pa.

Isa pa sa simbolo­ ng mga Pinoy sa pagdiriwang ng Pasko ay ang Belen, kung saan ipi­napakita ang Holy Family – sina Joseph, Mama Mary at ang bagong silang na si Jesus. Gaya ng parol, iba-iba na rin ang disenyo ng Belen ngayon. May moder­nized version na rin nito kung saan kasama pa ang tatlong Haring Mago.

Present din bilang dekorasyon ngayong Pasko ang Christmas lights. Simbolo ito ng liwanag. Paniniwala ng ilan, eternal light ni Jesus Christ ang mga pailaw tuwing Pasko para paalalahanan tayong mga Kristiyano na buhay si Kristo.

Paalala lang – kung maglalagay o magsasabit ng mga pailaw, tiyaking may ICC o Import Commodity Clearance mark ito. Ibig sabihin, dumaan sa pagsusuri at pasado sa stan­dards ­­ng DTI o Department of Trade and Industry. Huwag ding iiwang nakabukas ang Christmas lights nang magdamagan. Baka maging mitsa pa ito ng trahedya.

Ang sa akin lang, hindi kailangang maging magastos ang paglalagay ng palamu­ti sa bahay ngayong Pasko. Puwede kang mag-recycle at mag-reuse ng mga napaglumaan nang dekorasyon. Wala sa ganda ng bahay ang tunay na diwa ng Pasko. Mas importante pa ring kasama mo ang mga mahal sa buhay sa pagdiriwang nito – magarbo man o hindi.