Abante Tonite Interactive

Simmons ‘di babagay sa Warriors

339

Sa mga lumalabas na balita ngayon, binabalak bitiwan ng Philadelphia 76ers si point forward Ben Simmons, kapalit ni newly acquired Golden State Warriors guard D’Angelo Russell.

Ang dalawang lefty ang nasa haka-haka ngayon na ipagpapalit, dahil sinasabing ang one-two punch nina Simmons at Joel Embiid ay ‘di makapag-uuwi ng kampeonato.

Ang hinahanap ngayon ng 76ers ay guwardiya na magaling mamasa at kaya pang umiskor, gaya ni Russell.

Sino nga ba ang lugi sa trade na ito? Sa pagkawala ngayong season ng splash brothers na sina Stephen Curry at Klay Thompson, nangingitlog sa 15th spot ng Western Conference ang Warriors.

Ang palitang ito ay may positibo’t negatibong epekto sa bawat koponan.
Ang laro ni Simmons ay kapareho lang kay Draymond Green, na kayang mag-facilitate ngunit shooting ang kahinaan. ‘Di magtutugma ang dalawa, ngunit lalakas sila sa depensa.

Habang si Russell naman ay swak kay Embiid dahil sa shooting nito ay mapaluluwag ang depensa.

Hihina naman sa depensa ang Sixers sa palitang Simmons-Russell.
Kung sa kasalukuyang roster natin ibabase, panalo ang Sixers sa trade na ito.

Pero maraming dapat pag-isipan sa trade ng dalawang lefty na ito, abangan natin sa trade deadline.
***
Gusto ko lang puriin ang rookie na si Ja Morant, na sinabi ko sa aking kolum bago ang NBA season na magru-Rookie of the Year.

Sa kanyang ipinapakitang laro ngayon ay tila parang beterano na siya sa NBA.

Walang kakaba-kaba sa dibdib, suwabeng-suwabe gumalaw.
Huwag nang tapusin ang season, ibigay na agad ang ROTY!
***
Kung kayo po ay may reaksiyon o gustong itanong, mag-email lang po sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!