Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Simmons ekis sa Warriors

0 59

Scratch na ang Golden State sa mga lumulutang na destinasyon ni Ben Simmons.

Walang interes ang Warriors sa 25-year-old, 6-foot-11 three-time All-Star guard-forward ng 76ers, hindi nga naka-first base ang Simmons trade talks.

May lumabas dating ulat na kinontakni Sixers general manager Daryl Morey ang Warriors nitong offseason, hinihingi sina Andrew Wiggins, James Wiseman, 7th at 14th picks sa 2021 draft at ilan pang future draft picks.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binaril agad ng Golden State ang proposal.

Ayaw na manatili sa Philadelphia ni Simmons, humihingi na ng trade. Hindi aniya siya sasama sa summer camp, ayon sa ulat ni Keith Pompey ng Philadelphia Inquirer.

Gustong mapunta ni Simmons sa alinman sa tatlong teams sa California, pero wala na sa eksena ang Golden State. Malamang nasa listahan niya ang dalawa ng Los Angeles – Lakers at Clippers. Kung ayaw niya sa Philadelphia, baka hindi rin niya kinukonsidera ang Sacramento. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.