Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Simmons isinuka ang Philadelphia

0 63

Tuloy ang telenovela ni Ben Simmons at Philadelphia, nadamay na pati teammates niya.

Tinabla ng three-time All-Star guard ang mga kakampi sa 76ers na nagbabalak pumuntang Los Angeles para kausapin siya.

Iniulat ni Shams Charania ng The Athletic nitong Sabado na kasama sa delegasyong dadayo ng LA sina Joel Embiid, Tobias Harris at Matisse Thybulle.

Hindi sasama sa training camp ng Sixers at wala ring balak maglaro sa susunod na season sa team si Simmons kung hindi ite-trade.

SM food to go Banner Ad

“Multiple sources said Simmons didn’t want his teammates, some of whom he considers friends, to make the Philadelphia-to-Los Angeles commute out of courtesy because he won’t change his mind on wanting a trade,” anang ulat.

Nagmamatigas si Simmons, handang tanggapin ang hagupit ng 76ers.

“Simmons is clearly aware of sanctions available to organization to fine and suspend him, including withholding of salary. But so far, Simmons appears willing to carry out a plan of forcing his way to a new team,” ani Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Wala pang makitang trade ang 76ers. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.