Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Simmons lumambot, biglang sumulpot

0 69

Nagpakita sa Philadelphia si Ben Simmons nitong Lunes, nabuhayan ng pag-asa si coach Doc Rivers na makiki-practice din ang All-Star guard sa 76ers bago ang 2021-22 NBA regular season.

“Clearly, that’s what we want, or we wouldn’t be talking if that wasn’t part of it,” bulalas ni Rivers.

Hindi pa sumusulpot sa training camp si Simmons matapos humingi ng trade nitong offseason. Wala aniya siyang balak maglaro kapag hindi nahanapan ng mapaglilipatang team.

Kaltas ng $380K (P19.3M) sa bawat larong liban ang 25-year-old, 6-foot-11 guard-forward. May $147M pang natitira sa kontrata ang Australian sa susunod na apat na taon.

Tinalo ng 76ers ang Brooklyn 115-104 sa preseason matchup ng dalawang bigatin sa Eastern Conference kahapon din.

Bumomba ng 27 points si Furkan Korkmaz, sumegunda ng 20 ang kapwa-guard na si Isaiah Joe. Naka-14 points si center Joel Embiid sa 14 minutes lang sa Philly.

Wala pa rin si Kyrie Irving (unvaccinated) sa Nets, kumayod ng 23 markers si Kevin Durant at may 21 si James Harden. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.