Abante Tonite Interactive

Simmons ninakawan ang Pacers

0 180

Tatlong beses ninakaw ni Ben Simmons ang bola sa final 13.9 seconds, at itinakbo ng Philadelphia 76ers ang 119-116 panalo laban sa Indiana Pacers Sabado ng gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular season game.

Tumapos si Simmons ng 15 points, 13 assists, 6 rebounds at 4 steals, responde sa 32 markers at 11 boards si Joel Embiid. May 22 pts. pa si Tobias Harris sa Philadelphia.

Pinamunuan ng 29 points ni TJ Warren ang Indiana, may 28 si Malcolm Brogdon.

Abante ang Pacers 114-113 nang agawin ni Simmons ang pasa ni Warren 13.9 seconds na lang, pagkatapos ay sinubuan si Harris ng breakaway dunk para agawin ang lead 9.9 ticks.

Tapos ang timeout, muling ninakaw ni Simmons ang inbound pass ni Jeremy Lamb 7.9 seconds na nagresulta sa dalawang free throws ni Harris, 117-114 76ers, 5.1 sa orasan.

Pasok ang dalawang free throws ni Brogdon, sinundan ng dalawa ring charities ni Embiid 119-116.

Sa final 2.8 seconds, sinelyuhan ni Simmons ang panalo nang nakawin ang long inbound ni Lamb. (VE)