Abante Tonite Interactive

Simmons pinugutan ang Cavaliers

156

Ibinaon ni Ben Simmons ang panga­lawang 3-pointer sa kanyang NBA career, humarabas ng career-high 34 points, at nilampaso ng Philadelphia 76ers ang Cleveland Cavaliers 141-94 Sabado ng gabi.

Wala si Joel Embiid (left hip contusion) pero maagang nag-take charge si Simmons sa regular game ng 74th NBA 2019-2020 season.

Mula sa field ay 12 of 14 ang ­Australian, pinakamalaki ang pangalawa niyang 3 ngayong season – una noong November ­laban sa Knicks.

“I was locked in,” anang 23-anyos na third-year guard na 9 of 12 sa free throw line at may sahog pang 3 rebounds, 7 assists, 2 steals at 2 blocks.

Tumagal lang si Simmons ng 26 ­minutes sa loob, lumabas sa dulo ng third at hindi na ­binalik.

May 26 points na agad siya sa break ­tungo sa 77-36 Sixers lead.

Sa ­3:41-minute mark ng second, kinuha ni Simmons ang pasa ni Trey Burke at umangat mula sa left wing, binitawan ang 3. Pasok, at nagdeliryo ang crowd. Lalong nagwala ang fans nang sa sumunod na posesyon ay tinapos ni Simmons sa malakas na dakdak ang alley-oop ni Burke.
Nanguna ang 17 points ni Darius ­Garland sa Cavs. (VE)