Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Simmons sinuspinde

0 100

Napuno na si Joel Embiid sa kanyang tandem na si Ben Simmons.

Ayaw mag-practice at lalong ayaw maglaro ng 25-year-old, 6-foot-11 cager sa Philadelphia dahil gustong magpa-trade.

Pinitik ni coach Doc Rivers ang NBA All-Star guard, sinuspinde sa season opener ng 76ers ngayong araw kontra Pelicans sa New Orleans.

Malamang, uupo lang din siya sa bench sa home opener sa Sabado sa harap ng 20,000 fans na gigil na sa kanyang telenovela. Sigurado, aalaskahin ang Australian sa Wells Fargo Center.

“At this point, I don’t care about that man,” singhal ni Embiid Martes. “He does whatever he wants.”

Sa ensayo noong Lunes, nagpakita si Simmons pero lumalayo sa team huddle at mas madalas nakamukmok lang sa isang tabi, hindi nakikipag-usap sa teammates. Kinabukasan, ayaw nang mag-practice.

Hindi na matagalan ni Embiid ang pagiging babysitter sa basketbolista. May apat na taon na nagkakahalaga ng $147M (P7.4B) pa sa kontrata ni Simmons sa Philly.

“I’m not here to babysit,” giit ni Embiid. “I’d be willing to babysit if someone wants to listen, but that’s not my job.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.