Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Simon baby boy ang panganay

0 269

Natapos man na ang karera sa professional basketball ni Scoring Apostle Peter Jun ‘PJ’ Simon, pasimula naman ang bago niyang tatahakin sa pagiging isang ama.

Sa video na ipinost ng misis niyang si Jehza Huelar, Lunes makikita ang galak ni Simon nang malaman na lalaki ang kanilang magiging panganay na anak.

Ginawa ang gender reveal kasama ang ilang malalapit sa mag-asawa at idinaan nga sa cake ang paglalabas ng kasarian ng kanilang panganay.

Mahigit isang taon ng kasal ang dalawa at naninirahan na sa Davao kung saan nagsimula na rin sila ng sariling negosyo.

Nagretiro na ang 40-year-old, 5-foot-11 shooting guard tapos ng 16 seasons sa Magnolia Hotshots bago pa magsimula ang 45th Phillippine Basketball Associatiopn (PBA) 2020 Philippine Cup sa Clark, Angeles, Pampanga nitong Oktubre dahil sa Covid-19. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.