Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Simons hari sa slam dunk

0 98

Nagwaging Slam Dunk champion ng 70th National Basketball Association (NBA) All-Star Weekend 2021 si Portland Trail Blazers combo guard Anfernee Simons Linggo sa State Farm Arena sa Atlanta.

Pasiklab sa dalawang dunks sa first round, umusad sa finals ang 21-anyos, at 6-3 ang taas na shooting guard kasama sina New York Knicks forward Obi Toppin sa 95 at 94 total scores habang nalaglag si Cassius Stanley ng Indiana Pacers na may 81 points.

Talong hurado sa finals na sina NBA legends Dominque Wilkins, Jason Richardson at Dee Brown, ang mga pumabor sa three-year pro veteran na si Simons upang masungkit niya ang titulo.

Bumoto kay Toppin sina former league stalwarts Josh Smith at Spud Webb. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.