Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Simons pasok sa 3-pt record

0 213

Nilista ni Anfernee Simons ang pangalan sa NBA records nang giyahan ang Portland Trail Blazers sa 133-112 panalo kontra Indiana Pacers sa regular 75th season game Martes ng gabi sa Bankers Life Fieldhouse sa Indianapolis.

Deliver si Simons ng 27 points mula 9 for 10 3-point shooting. Overall, tatlo lang ang isinablay ng reigning league slam dunk contest champ sa 13 bitaw, may 4 rebounds, 4 assists at 2 steals pa sa 24 minutes off the bench.

Nilista ni Simons ang franchise mark at pinantayan ang NBA record nang ipasok lahat ang unang siyam na attempts sa 3-point range. Season-high din ang puntos ng 2018 first-round pick.

Bago nagmintis sa pang-10 bitaw, naka-13 straight 3s sa huling apat na laro si Simons – stat na hindi nagawa kahit ng pinakamaangas na shooter sa kasalukuyan na si Stephen Curry ng Warriors.

Nagsumite si Damian Lillard ng 23 points para isampa ang Portland (29-32) sa 9th place sa West.

Hindi naisalba ng tig-18 points nina Malcolm Brogdon at Oshae Brissett ang Indiana na gulong sa 29-32. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.