Abante Tonite Interactive

Simpleng plataporma

By
641

Ilang araw na lang, pipili na tayo ng mga bagong opisyal sa ating barangay kaya naman kaliwa’t kanan na ang ating nababasang mga plataporma de gobyerno ng mga kandidato.

Marami ang mga may kabuluhan pero parang hindi naman pambara­ngay level. May iba naman ay masyadong maganda pero alam naman ng lahat na imposibleng mangyari.

Kaya naman nakakatuwa rin ang inilabas na talaan ni Professor Nathan Perez ng University of Caloocan City sa kanyang Facebook Page ng mga generic na plataporma na maaa­ring i-adapt ng Barangay Election.

Aba, nangunguna sa naturang listahan ang “Papanagutin ang kapitbahay na hinahayaan ang mga alagang aso sa kalsada. Threat na sa seguridad ng komunidad, nagkakalkal pa ng basura kaya threat din sa kalusugan ng mismong aso. HIGIT SA LAHAT nagkakalat sila ng jebs sa kalsada. (Ang resulta, INFINITY WAR: TAO VERSUS TAE!)”
Hindi ba’t marami sa mga barangay ay ito ang napakalaking problema? Ang walang disiplinang mga dog owner na hinahayaan ang kanilang mga aso gumala-gala?

Ilan pa makabuluhang plataporma ni Prof. Perez ay ang mas madalas na schedule ng pagkuha ng basura upang hindi mamaho ang barangay; pagtuunan ng pansin ang mga double parking sa kalsada; paglalaan ng barangay community hotline sa pamamgitan ng text at messenger na may sasagot 24 hours;

Related Posts

Pagtiyak na kayang sawayin ang mga nag-iinuman sa sidewalk at dapat paigtingin natin ang smoking ban sa barangay; pagbibigay limit sa Videoke hanggang 10pm; pagroronda ng mga barangay tanod; at mas maging visible sa komunidad si Kapitan at mga Kagawad.

Ang mga simpleng plataporma na ito ang mga dapat nating hanapin sa ating mga opisyal ng barangay dahil ito ang direktang may kinalaman sa ating komunidad.

Isa pa sa dapat makita natin sa mga pipiliing barangay official ay yung marunong sumunod sa kung saan lamang dapat maglagay ng kanilang mga campaign material at marunong linisin ang mga basurang kanilang ikinakalat.

Tandaan natin na ang barangay ang pinakamaliit na bahagi ng ating pamahalaan subalit dito dapat nagsisimula ang mabuting serbisyo para sa mamamayan.

Kaya sa eleksyon, huwag magpadala sa tawag ng kakarampot na salapi o sa popularidad, maging matalino at mapanuri.