Abante Tonite Interactive

Simula Lunes Provincial bus bawal na magbaba sa EDSA

542

Simula sa Lunes, Abril 22, huhulihin na ng mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial bus na magsasakay at magbababa ng mga pasahero sa kahabaan ng EDSA at sa mga panguna­hing lansa­ngan ng Kalakhang Maynila.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, mahigpit nilang ipatutupad ang regulasyon para sa pagbabawal sa mga provincial bus na mag-loading at mag-unloading ng pasahero sa kahabaan ng EDSA.

Sinabi ni Garcia, sa prangkisa nila ay point-to-point ang nakalagay, ibig sabihin pagpasok ng provincial bus sa Metro Manila, simula Lunes ay diretso na sila sa kanilang terminal.

Bukod sa pagbabawal sa drop-off at pick-up sa EDSA, magsasagawa rin ng dry run para sa paggamit ng interim bus terminal sa Valenzuela City at Santa Rosa, Laguna.

Target kasi ng MMDA na sa buwan ng Hunyo ngayong taon ay wala nang mga bus terminal sa EDSA. Ibig sabihin, hindi na sila puwedeng bigyan ng business permit ng mga local go­vernment unit (LGU).

Ayon kay Garcia, igigiit nila sa mga Metro Manila mayor na huwag nang bigyan ng permit ang lahat ng public utility bus terminal at operator sa EDSA. (Armida Rico)