Abante Tonite Interactive

Sinabihang wala nang ibubuga ang asawa, misis kinatay

0 526

Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 47-anyos na misis sa kamay ng sariling mister nang pagtatagain ito matapos mapikon ang lalaki sa misis matapos siyang pagsabihang matanda na at wala nang ibubuga, Linggo nang gabi, sa Mobo, Masbate.

Dead on the spot at halos magkaputol-putol ang mga parte ng katawan dahil sa dami ng tagang inabot si Venus Cardino, 47. Arestado naman ang suspek na si Fernando Cardino, 58, barangay tanod, kapwa residente ng Brgy. Poblacion, District 2 ng nabatid na bayan.

Sa ulat ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5, naganap ang insidente alas-10:10 nang gabi.

Nabatid na nagtalo ang mag-asawa nang sabihan ng misis ang kanyang mister na matanda na ito’t mahina kaya papalitan na niya ito.

Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha ng itak ang esposo at walang habas na pinagtataga ang kabiyak hanggang sa mamatay.

Agad namang nakaresponde ang pulisya at nadakip ang suspek na ngayon ay nakakulong sa Mobo Municipal Police Station.