Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SINAG inawat pag-angkat ng isda

0 154

Tiniyak ng Samahan ng Industriyang Agrikultura (SINAG) noong Biyernes na sapat ang suplay ng isda sa bansa.

Ayon kay SINAG chairman Engr. Rosendo So, sa kasalukuyan ay maraming suplay ng isda at bagsak ang presyo ng ibang uri ng isda, partikular ng tilapia.

Kahit dumaan man aniya ang bagyo ay hindi naman tinamaan ang mga lamang-dagat kaya wala aniyang dahilan para mag-angkat pa ang Pilipinas ng isda.

SM food to go Banner Ad

Gayundin, iminungkahi ni So na tulungan ng Department of Agriculture (DA) ang mga mangingisdang Pinoy na makakuha ng isda sa karagatang nasasakupan ng bansa, partikular sa West Philippine Sea.

Samantala, ayon sa opisyal, dahil sa nanatiling mahal ang mga imported na galunggong na nasa P150 kada kilo, mahalagang­ i-promote ng DA ang ibang alternatibong isda na mas mura para dumami ang suplay nito at matulungan ang mga mangingisda. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.