Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SINAG: Tumitiba na mga pork importer

0 274

Higit na tumitiba ngayon ang mga pork importer dahil bumaba na ang “landed cost” ng mga karne galing ibang bansa sa P70 hanggang P85 per kilo, ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

“Sobra-sobrang kita talaga,” sabi ni SINAG chairperson Rosendo So kahapon.

Sa kabila aniya nito ay hindi naman nakikinabang ang mga konsyumer dahil mahal pa rin ang baboy.

Dagdag niya, binabaha na rin ng imported pork ang Visayas at Mindanao at walang nagbabantay sa pagkalat at pagbenta ng imported frozen pork sa mga palengke at talipapa.

Maaaring mapahamak pa aniya ang mga konsyumer sa mga lugar na walang freezer.

Pinatunayan lamang aniya ng sitwasyon ngayon na tama ang kanilang babala noong nagpatawag ng pagdinig sa isyu ang Kamara at Senado. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.