Abante Tonite Interactive

Sinalaula na kasaysayan

285

Dear Abante Tonite,
Tuwing ika-apat na linggo ng buwan ng Agosto kada taon ay ating ipinagdiriwang at inaalala ang kabayanihan ng ating mga ninuno na silang naging tulay ng ating kasarinlang tinatamasa ngayon.

Pero, nakakalungkot po na sa halip na ito ay isapuso ng bawat isang Juan Dela Cruz, bigyan ng isang araw na pagpupugay at alaala ang ating lahi ay nalilimbungan na po ito ng mali, ito din kasi ang panahon ng kaliwat-kanang pagra-rally ng ating mga kababayan na mga aktibista na sa halip na magtanggol sa ating kasarinlan at pagalaala sa kanilang kabayanihan at ginawa na din nila itong paglaban sa pamahalaan.

Malinaw naman po na nag-aklas ang ating mga ninuno noon upang mabawi ang ating bayan at kalayaan mula sa mga dayuhang mananakop, upang makuha ang ating gobyerno at magkaroon ng sariling pamamalakad mula 15th century hanggang 1898 nang makuha natin ang ipinagkait na kalayaan kapalit ng dugo at buhay ng mga bayaning ninuno.

Pwede po ba na kami namang kabataan ngayon ang pakinggan, na kung maari sa tuwing sasapit ang araw ng mga bayani ay mas lalo pang ipamulat sa amin, mula sa mga eskwelahan sa pamamagitan ng DepEd, CHED lokal at nasyunal na mas himukin kami, sa halip na lumabas sa lansangan at mag-ingay ay gawing requirement ang pagtungo sa mga libingan ng mga bayani at alamin ang kanilang naiambag sa ating bayan o kaya makilala naman ang kanilang lahi.

Napapanhon na din po ito sa ngayon, masyado na pong mataas ang tingin ng kabataan ngayon na tila ba alam na naming lahat, kaya maari ng talikuran ang mga magulang pati ang alaala ng kahapon.
Ruffino