Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinaltik ang demonyong naghahatid ng sakit

0 429

Mga ka-#Misteryo mag-Ingat sa mga gumagalang demonyong naghahasik ng sakit. Yan ang babala ni Roger ng Valenzuela nang maispatan na ang itim na ispiritu na biglang umatake sa kanya.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Abala sa kanyang paglalaro on-line si Roger nang gabing iyon ng Martes nang biglang mapansin niya ang umaaligid na itim na ispiritu.

Nang kausapin ng Misteryo si Roger, inamin niyang nakakakita siya ng mga nilalang sa kabilang dimensyon. Bukod sa mga multo ay nakakakita rin siya ng mga anghel at demonyo.

Para sa kanya isang demonyo ang kanyang Nakitang gumagala.

Misteryo: “Paano mo nasabi na demonyo yung nakita mo? Baka naman elemento siya o engkanto?”

Roger: “Kabisado ko ang enerhiya ng mga elemento o engkanto at alam ko din ang enerhiya ng mga anghel at demonyo. Nakasusulasok sa ilong ang enerhiya at amoy ng mga demonyo. Iba ang pakiramdam ko pag may demonyo sa paligid ko.”

Misteryo: “Ano ba ginawa sayo ng demonyo?”

Roger: “Busy ako ng oras na yun mga alas-2AM Aba bigla ako inubo at biglang sumama pakiramdam ko. Tumigil ako sa on-line gaming ko pinakiramdaman ko sarili ko. Biglang nag-iba feeling ko, ubo ako ng ubo. Nag-isip ako Sabi ko sarili ko ok naman feeling ko the whole day pero Ano nangyari?”

Misteryo: “Paano mo napansin na gawa yun ng demonyo? Nagpakita ba siya sayo?”

Roger: “Nahagip siya ng mata ko mabilis umalis sa tabi ko akala nya hindi ko siya makikita. Bigla ko siyang pinagmumura nagalit ako. Binantaan ko pag hindi siya umalis pababalikin ko siya sa impiyerno.”

Misteryo: “Ano reaksyon? Natakot ba sa banta mo?”

Roger: “Bigla siyang alis siguro alam niya hindi ako nagbibiro. May paraan ako kung paano ko gawin yung ipatapon siya pabalik sa impiyerno.”

Ngayong dinaranas pa rin natin ang pandemya ng covid-19, Ingatan din natin ang ating sarili laban sa iba pang sakit. Tama si Roger may demonyo na nakatoka para maghasik ng sakit sa tao. Mahalaga pa din and taimtim na pagdarasal, paghinga ng tulong sa mga anghel at manatili ng malakas at malusog ang ating katawan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.