Abante Tonite Interactive

Sinapian sa mga eskuwelahan

403

MISTERYO

Mga ka-Misteryo ginulantang tayo ng sunod-sunod na insidente ng umano’y sinapian ng ‘masamang espiritu’ sa mga eskuwelahan.

Totoo ba ang sapi? O pawang gawa-gawa lamang ito ng imahinasyon ng tao? O kaya ay tinamaan lamang ng ma­tinding pagod ang mga biktimang mag-aaral.

‘Yan ang ating misyon: “Kapag may misteryo, a­lamin ang totoo!”

Hunyo 26, alas-10:30 nang umaga, isinugod sa simbahan ng Mamburao, ang nasa 60 estudyante ng Occidental Mindoro National High School matapos na sapian ng engkanto.

Una nang sinapian ang 38 estudyante noong Hun­yo 25. “Pare-pareho ang isinisigaw ng mga bata na ibalik ang puno ng duhat na pinutol at binunot para sa itinayong gusali sa loob ng school compound,” ayon sa isang titser.

Hulyo 1, anim na estudyanteng babae ang sinapian sa Mapag-Ong National High School sa Batan, Aklan.

Hulyo 8, apat na mag-aaral ang sinapian sa Fr. Gratian Murray Integra­ted School sa Barangay Granada sa Bacolod City. Ito ay nasundan pa nitong Martes, Hulyo 9 ng hi­git 10 estudyante na sinapian din.

“Boses lalaki ang nari­nig sa sinapian na 14-taon na babae na nagbantang kukuha ng mga babaeng estudyante para gawin nilang prinsesa sa rubber tree na kanilang bahay na nasa school compound,” sabi ng teacher na si Ariel Sablaon.

Related Posts

Hulyo 9, dalawampung estudyante ng Manaoag National High School ang sinapian ng masamang espiritu nang makakita ng white lady sa likod ng eskuwelahan.

“Nangisay po ang estudyante ko tapos nagwala po siya. Ang dami namin humawak pero inihagis niya kaming lahat. Nag-pray po kami. Nagulat po kami kasi lumutang po siya at hindi nakalapat ang paa sa sahig. ‘Yun po ang nakakatakot,” ayon sa gurong si Anne Castro.

Hulyo 10, nasa 20 estudyante ang sinapian sa Marcos National High School dahil sa pinutol na puno ng mangga.

“Mamamatay kayo! Banta po ‘yan ng masamang espiritu at kaila­ngan magtanim ng puno ng duhat at mangga at mag-alay ng dalawang itim na manok. Sinunod po namin ‘yung ritual,” sabi ng isa sa mga guro ng eskuwelahan.

Nakakabahala na nagkakasunod-sunod ang ganitong insidente ng sapi.

Definitely totoong sina­niban ang mga mag-aaral dahil may mga interaksiyon sa mga espiritu.

Batay sa aking pag-aaral sa larangan ng paranormal at metapisikal sa higit 20 taon, mga elemento o engkanto ang sumanib sa mga estud­yante sa iba’t ibang lugar. At halos iisa ang mensahe — ‘ibalik ang mga puno na pinutol’ bagaman hinala ko may mga namatay sa lahi ng mga engkanto o ‘di man kaya ay nasugatan at nawalan sila ng tirahan.

Ang masasabi kong nagawang pagkakamali dito ay hindi nagpasintabi o nagpaalam ang pamunuan ng mga eskuwelahan bago putulin ang mga puno.
Malakas din ang mensahe sa lahat na ‘wag tayo basta magpuputol ng puno lalo na kapag wala namang kapalit.

Para sa inyong kuwentong kakila-kilabot, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang Abante website at ang personal kong website: www.reytsibayan.com. FB Page: Misteryo Pilipinas.